Bakit importante ang Object Oriented Programming (OOP)? Nung mga panahon ng C, Pascal, Basic kapag gumawa ka ng isang project na malakihan Na-oorganize mo lang ang code mo sa paggamit ng include/header files. Ang malaking problema paulit ulit ang code. At kadalasan di maiwasan na magkaproblema sa kaparehong method o function names. At dahil hindi organize ang codes mahirap malaman kung saan nagkaproblema.
Ilan sa mga benepisyo ang OOP
Ilan sa mga benepisyo ang OOP
-
Gawing Modular ang development. Kapag sinabing modular, eto ay ang pag-aayos or pag-organisa ng code. Halimbawa Ang isang Desktop Computer ay modular dahil pwede mong palitan ang component nito ng hindi mo pinapalitan ang ibang component tulad ng VideoCard, Hard Disk, Memory, CPU.
-
Ang paggamit ng Inheritance. Gaya ng ng sabi ko sa isang post ko tungkol sa Principles of Object Oriented Programming, Isa sa pinakamalaking benepisyo ng OOP ang Inheritance or pagmana. Dahil dito hindi mo kailangang ulit-ulitin ang code mo dahil sa pagmana mo ng isang object makukuha mo na yung mga public properties at methods niya. Halimbawa, ang Computer pwede kang gumawa ng ibang Anyo ng Object na Computer
- At dahil pwede mong manahin ang Object pwede mo rin baguhin ang namana mong properties o methods. Ibig sabihin pwede mong dagdagan ang capability o kakayahan ng Object na mas marami sa Computer Object
- Madaling Mag-troubleshoot. Dahil modular ang code madali mong makita ang problema
Comments
Post a Comment