May iba't ibang panuntunan sa Object Oriented Programming na kadalasan mahirap intindihin o nakakalito. Mapa Ingles man or ibang Lingwahe. Susubukan kong ipaliwanag sa pinakasimpleng paraan ang ibig sabihin ng bawat isa. Ang ginamit ko dito ay C#. Dahil mas maraming Programming Language na kawangis nito tulad ng C++ at Java. Encapsulation ito ay pagtago ng property or method sa isang object. Upang hindi directang mabago ang estado ng field sa isang Object. Inheritance ito ay ang pag gamit ng class para gumawa pa ng isa pang object. Imbis na paulit ulit mong i-code ang lahat ng property ng tao. Pwede mo na lang manahin lahat ng nadeklara mong properties sa iba pang object Abstraction Eto ay pagtago ng ...