May iba't ibang panuntunan sa Object Oriented Programming na kadalasan mahirap intindihin o nakakalito. Mapa Ingles man
or ibang Lingwahe. Susubukan kong ipaliwanag sa pinakasimpleng paraan ang ibig sabihin ng bawat isa. Ang ginamit ko dito
ay C#. Dahil mas maraming Programming Language na kawangis nito tulad ng C++ at Java.
-
Encapsulation
- ito ay pagtago ng property or method sa isang object. Upang hindi directang mabago ang estado ng field sa isang Object.
-
Inheritance
- ito ay ang pag gamit ng class para gumawa pa ng isa pang object. Imbis na paulit ulit mong i-code ang lahat ng property ng tao. Pwede mo na lang manahin lahat ng nadeklara mong properties sa iba pang object
-
Abstraction
- Eto ay pagtago ng tunay na paggana ng isang object o pasimplehin ang paggamit ng isang Object.
-
Polymorphism
- Parang pareho ng Inheritance pero eto ay pag-override sa methods ng namana na class. Eto ay isa sa benipisyo ng Object Oriented Programming dahil maaaring ma-extend o mapalawig ang namana na Object
Comments
Post a Comment