Skip to main content

Ano nga ba ang Class sa Object Oriented Programming

Kung matatandaan ninyo sa dalawang naging post ko. Naipaliwanag ko ang Importansya ng Object Oriented Programmig at ang Principles of Object Oriented Programmig. At sa mga post na ito Kadalasan sa mga halimbawa ay ang Class at Object. Unahin muna natin ang pagkakaiba ng Object at Class
Class Object
Ang Class ay template or blueprint na ginagamit para makagawa ng Object
Halimbawa
Ang Object ay ang Halimbawa ng isang Class
halimbawa
Ang Class ay Grupo ng magkakaparehong Object
Halimbawa: Hayop
Ang Object hango sa tunay na buhay na bagay
halimbawa: asong pangalan ay Brownie o pusang pangalan ay Muning
Ang Class ay magagamit gamit ang salitang class
Halimbawa:
Ang Object ay magagamit gamit sa pamamagitan ng salitang "new"
Halimbawa:
Ang Class ay dinedeklara ng isang beses.
Ang Object at magagamit ng maramihan.
Halimbawa:
Ang Class ay hindi gumagamit ng memory/RAM kapag i-dineklara
Ang Object ay gumagamit ng memory/RAM kapag i-dineklara


Halimbawa ng class at ang mga parte nito Parte ng Class
  • Hayop = ang pangalan ng Class
  • Ang Paa, Buntot, Ulo, at Katawan ay mga Class na Public para parte ng Katawan.
    Ang Public ay mga properties or methods na magagamit sa labas ng class o program
  • Ang Bituka at Atay naman ay mga Class na Private na nasa loob Katawan.
    Ang Private ay mga properties or methods na di Magagamit sa labas ng class o program


Sa larawan na ito makikita na tool tulad ng Visual Studio, hindi makikita sa listahan ang mga properties o methods na Private. Yun lang nadeklara na Public.
Paalala lang:Sa C# lahat ng class ay Hango sa Class na ang pangalan ay System.Object at lahat ng hango sa Class na ito ay may automatic na Methods na Equals, GetHashCode, GetType, at ToString.


Pandagdag kaalaman:   Ang System sa System.Object ay tinatawag na "Namespace". Ang Namespace ay Pangalan o Salitang ginagamit para i-paggrupo ng isang project. Tulad nito

Kaya kung tatawaging sa ibang Namespace ang Class Hayop sa ibang Namespace, kailangan na Gamiting ang Namespace na kinabilangan ng Hayop na DemoClass

Comments

Popular posts from this blog

Di nyo na kailangan ng Isa pang computer para sa Server o web hosting

Kung hindi nyo kailangan ng totoong web hosting at domain sa Thesis nyo may technology na pwede nyo ng gamitin para mag-emulate ng parang tunay na server. Docker Containers. Ang containers ay isang feature sa Linux pero sumikat sa mga cloud server tulad ng AWS, Google o AZURE. Marahil dahil na rin sa kamahalan ng mg ito, imbis na mag renta ka ng limang server, kahit isang server lang pwede ka ng mag-implement ng maraming system. Ang Docker ay kahalintulad siya ng VMWare or ibang virtual machine. Para gumamit ng Virtual Machine, kailangan mong mag-allocate ng CPU, RAM at malaking disk space dahil ang paggamit nito ay parang isang computer. Ang problem dito ay kailangan mong hiwalay na ii-install ang Operating System ibig sabihin kailangan mo ng license. At kailangan mo rin iinstall at configure ang software na kailangan mo tulad ng Apache, IIS, SQL Server, mysql at iba pa para lang mapagana ang system mo. And Docker ay mas pinasimple. Bago ang lahat eto ang mga salita or Teminology ...

Bakit Importante ang Object Oriented Programming

Bakit importante ang Object Oriented Programming (OOP)? Nung mga panahon ng C, Pascal, Basic kapag gumawa ka ng isang project na malakihan Na-oorganize mo lang ang code mo sa paggamit ng include/header files. Ang malaking problema paulit ulit ang code. At kadalasan di maiwasan na magkaproblema sa kaparehong method o function names. At dahil hindi organize ang codes mahirap malaman kung saan nagkaproblema. Ilan sa mga benepisyo ang OOP Gawing Modular ang development. Kapag sinabing modular, eto ay ang pag-aayos or pag-organisa ng code. Halimbawa Ang isang Desktop Computer ay modular dahil pwede mong palitan ang component nito ng hindi mo pinapalitan ang ibang component tulad ng VideoCard, Hard Disk, Memory, CPU. Ang paggamit ng Inheritance. Gaya ng ng sabi ko sa isang post ko tungkol sa Principles of Object Oriented Programming, Isa sa pinakamalaking benepisyo ng OOP ang Inheritance or pagmana. Dahil dito hindi mo kailangang ulit-ulitin ang code mo dahil sa pagmana mo ng i...