Skip to main content

Anong Computer ang dapat mong bilhin?

Nung college ako madalas akong tumambay sa Gilmore. Isang lugar sa Quezon City kung saan ang bilihan ng mga computer parts at kung tawagin Silicon Valley. Nung una, kumukuha lang ako ng price list at nangangarap na makabili ng computer piyesa kahit wala akong pambili. Natuto ako sa computer hardware dahil don. Minsan nakikipagbaliktaktakan ako sa mga tambay na gaya ko at napag-uusapan ang mga magagandang specs. Minsan nakikinig ako sa mga nag-iinquire.

Makalipas ng ilang taon hindi pa rin naging madali sa akin ang bumili ng computer piyesa. Dahil na rin hindi biro ang presyo ng mga computer piyesa. Ang nakakatawa, kahit software developer ako, marami sa mga kakilala ko ang nagtatanong sa akin kung ano ang magandang bilhing computer. Kahit sa pag-aayos ng computer nila, sa akin sila humihingi ng tulong. Maganda rin kasi natututo ako. Ang di nila alam, ang software ay hindi tumitingin sa hardware, dahil ang alam lang nila ay ang Computer ay Computer.

Ano nga ba ang specs ng magadang computer? Ang sagot ay depende sa gamit mo. Ilan lang ito sa mga pangunahin gamit ng computer
  1. Gaming
    • Kapag eto ang balak mong gamit sa computer, kailangan mo ng medyo malakas. Siyempre,'the more na malakas... the more na mahal'. Pero kung nasa budget ka. Ang masasabi ko lang ay maglaan ka ng budget para sa RAM (at least 8gb) at Graphics Card. Karamihan ng games ngayon ay ginagamit ang power ng Graphics card. Pero Siyempre mas maganda rin ang maglaan ng budget sa CPU dahil makakatulong ito. Ang mungkahi ko ay ang sumusunod
      • CPU: Quad Core pataas
      • RAM:8GB pataas
      • Storage:500GB - 1TB pataas
  2. Office, Surfing at Nood ng Video Online tulad ng Youtube
    • Kapag eto ang balak mong gamit sa computer, Hindi mo kailangan ng malakas na specification. Kadalasan ang payo ko kahit magtablet o netbook lang pwede na. Ang mungkahi ko kung bibili kayo ngayon ng tablet ay di bababa sa specification sa baba
      • CPU: Quad Core pataas
      • RAM:4GB pataas
      • Storage:64GB pataas
  3. Software Development
    • Kung developer ka, magiging depende sa balak mong i-develop. Siyempre kung Games ang gagawin mo, kailangan mo ng kasing halintulad ng Gaming specifications.
    • At kung General developer ka naman, kumbaga kahit ano. ang importanteng piyesa na kailangan nyong paglaanan ay ang RAM o Memory. Sa panahon ngayon kadalasan ang isang computer na lang ang ginagamit natin sa Development. Kaya kailangan ng maraming RAM dahil na rin kung gusto mong maglagay ng mga virtual Machines para gamiting server.Ang mungkahi ko ay ang sumusunod
      • CPU: Quad Core pataas
      • RAM:12GB pataas
      • Storage:500GB pataas
  4. Graphics Design/Video Edit
    • Kung Graphics Designer/Editor ka, dahil graphics ang madalas mong gamitin. Halos kapareho ng Gaming ang kailangan mo. Pero ang maidadagdag ko dito ay maglaan para sa magandang Monitor.


Gusto ko lang idagdag Ang pagkakaiba ng Desktop at Laptop. Ang mga sumusunod ay kung bakit mas magana ang Desktop
  • Madaling palitan ang mga piyesa kung sakaling masira
  • Mas mura ang mga piyesa ng Desktop
  • Hindi mo kailangang i-charge
  • Di gaya ng Laptop, walang baterya na maaring masira.
  • Mas malakas pagdating sa Performance. Iba ang piyesa ng Laptop, kadalasan ang priority ng gumagawa ng piyesa ay ang matitipid ng charge ng battery. At kung Gaming ang pangunahing gamit mo sa kadalasan nakasaksak mo pa ang charger kung gagamitin mo ito.


Ang mga sumusunod ay kung bakit mas maganda ang Laptop
  • Madaling Dalhin kahit saan. - Kung wala kang wifi sa bahay punta ka ng ng Cafe at makigamit ng wifi
  • Di mo kailangan ng Desk para paglagyan.


Gaya ng sabi hindi basta basta ang pagbili ng computer. Kailangan masiguro mo ang balak mong gamit. Kung ang budget

Comments

Popular posts from this blog

Di nyo na kailangan ng Isa pang computer para sa Server o web hosting

Kung hindi nyo kailangan ng totoong web hosting at domain sa Thesis nyo may technology na pwede nyo ng gamitin para mag-emulate ng parang tunay na server. Docker Containers. Ang containers ay isang feature sa Linux pero sumikat sa mga cloud server tulad ng AWS, Google o AZURE. Marahil dahil na rin sa kamahalan ng mg ito, imbis na mag renta ka ng limang server, kahit isang server lang pwede ka ng mag-implement ng maraming system. Ang Docker ay kahalintulad siya ng VMWare or ibang virtual machine. Para gumamit ng Virtual Machine, kailangan mong mag-allocate ng CPU, RAM at malaking disk space dahil ang paggamit nito ay parang isang computer. Ang problem dito ay kailangan mong hiwalay na ii-install ang Operating System ibig sabihin kailangan mo ng license. At kailangan mo rin iinstall at configure ang software na kailangan mo tulad ng Apache, IIS, SQL Server, mysql at iba pa para lang mapagana ang system mo. And Docker ay mas pinasimple. Bago ang lahat eto ang mga salita or Teminology ...

Ano nga ba ang Class sa Object Oriented Programming

Kung matatandaan ninyo sa dalawang naging post ko. Naipaliwanag ko ang Importansya ng Object Oriented Programmig at ang Principles of Object Oriented Programmig . At sa mga post na ito Kadalasan sa mga halimbawa ay ang Class at Object. Unahin muna natin ang pagkakaiba ng Object at Class Class Object Ang Class ay template or blueprint na ginagamit para makagawa ng Object Halimbawa Ang Object ay ang Halimbawa ng isang Class halimbawa Ang Class ay Grupo ng magkakaparehong Object Halimbawa: Hayop ...