Simula pagkabata, nakahiligan ko na ang teknolohiya. Mula Game and Watch, Family Computer, at iba pang larong pambata. At lagi akong namamangha kung paano ito nagawa. Ang totoo hindi Computer Science ang unang kurso na kinuha ko kundi Civil Engineering. Wala kasi kaming computer non. At dahil na rin iba ang tingin ng karamihan kapag Engineer ka. Naiba yun nung magkaproblema ako sa eskwelahan na pinapasukan ko at kinailangan kong lumpipat ng eskwelahan. Bago non natigil ako at nagtrabaho sa isang Mall. Makikita mo ang tunay na buhay sa basement. Lahat gumagawa ng paraan para making masaya. Sa trabahong iyon ko naranasan ang pagod at hirap ng trabaho. Kaya't nagmakaawa ako sa Nanay ko na bumalik sa kolehiyo. Naisipan kong magpalit ng kurso. Kaya naging Bachelor of Science in Computer Science ang natapos ko.
Ginawa ko tong blog na to para makatulong sa aking mga kababayan na nagsisimula o naghahanap ng tulong sa programming. Hindi ako dalubhasa sa programming. Pero sa mahigit 20 taon kong karanasan sa larangan na ito. Marami akong natutunan at gusto kong ipamahagi ito sa aking mga kababayan. Sa pagpalit ko ng kurso, nakita ko ang hirap ng IT. Lalong lalo na sa panahong iyon hindi pa laganap ang paggamit ng computer. At isa pang malaking problema ay wala pang gaanong resources na mapupuntahan sa internet. Dahil teknikal ang programming Tagalog ang napili kong lengwahe para mas madaling intindihin. May alam ako sa ilang Programming Language (C#, C/C++, Javascript, at Java) pero karamihan ng gagamitin ko ay C#.
Sa mga darating na araw karamihan ng magiging blog ko at tungkol sa programming. Hindi maiiwasan na makapagkwento ako ng mga naging karanasan ko hango sa aking buhay. Gagawin ko sa aking makakaya na maipaliwanag ng maayos ang mga halimbawa na aking ilalagay.
Hindi ako Titser kaya sana pagpasensiyahan ninyo kung hindi structured o maayos ang paglalatag ko ng idea ko.
Hangad ko lang na sana makatulong ito sa marami.

Comments
Post a Comment