Skip to main content

Sagot sa Tanong: Anong programming Language ang magandang pag-aralan

Mahigit dalawang dekada na akong programmer. Nagsimula ako sa Pascal at Basic. Hanggang pinag-aralan naming ang C. At nung college ako naging C++ at VB6.

Sa trabaho ko non hindi kailangan na mag-program mostly requirements gathering lang ang ginagawa ko as Solution Designer. Para di masayang ang natutunan ko sumasideline akong developer. Tapos may nakilala ako na gustong magpagawa ng Online store na Website. Ako bilang ako, sabi ko kaya ko kahit wala akong alam sa paggawa ng website kaya inaaral ko ang ASP.Tapos nagkaroon ng pagkakataon na sa mismong kompanya ay wala silang developer at naglakas loob akong magpresenta at sinuwerte rin ako dahil maraming akong naging project na puro ASP na may database.

Ang totoo, ang dami kong gustong pag-aralan non sa dami ng Programming Language malilito ka talaga. Tapos iba't ibang development pa tulad ng web , desktop tapos nagkaroon pa ng Mobile Development. Ang totoo, kadalasan kapag may nagtatanong sa akin, ang lagi kong sagot, kahit ano sa C/C++/C#/Java/Javascript dahil ang syntax nila halos magkahawig sa isa't isa at ang disiplina pareho lang din. so kung matututo ka sa isa medyo madali mong pag-aralan ang iba.

Ngayon, nakapasok ako sa isang company kung saan meron silang sariling Programming Language (CCL). Pinag-aralan ko ang Language na to dahil yun ang gamit nila. Ang mahirap don hindi mo magagamit sa labas ng company.

Alam ko maraming pasakalye kasi Ang totoong sagot sa tanong? Isang maraming Depende...

  1. Ang pinakauna... Depende... kung ano ang kailangan mo o ng trabahong gusto mong pasukan. Kung mamasukan ka kadalasan siyempre kailangan mong sumunod sa kailangan nila.
  2. Depende... kung bago ka lang nagpoprogram lalo na kung IT ang kinukuha mo. Ang masasabi ko lang magconcentrate ka sa Programming Language Concepts na subject. Napakaimportante ng subject na yan. Bakit? Dahil ang sekreto sa pag-aaral ng iba't ibang language ay nasa subject na yan. Lahat ng programming language may variable, may condition statements (if..else, switch etc), may loops (for, foreach, while etc), may functions, subroutines or methods. Iba iba lang ang syntax.
  3. Depende... kung anong technology ang gusto mong sabakin. Kung anong gusto mong idevelop Desktop ba? Web? o Mobile Development? Gusto mo ng Front-end (User Interface) or Back-end (Web Services, API, Databases etc)...
    • Programming Languages
      • C#/VB.NET
        • Pwede siya sa Desktop, Mobile (Xamarin - Android at IOS) at Web/Web Services (ASP.NET MVC), Games (Monogame)
      • Java
        • Pwede siya sa Desktop (jar executable), Mobile (Android) , Web (JSP) Java Spring Web Services, at Games
      • Python
        • Pwede siya sa Desktop at Web development, Games
      • PHP
        • Pwede lang siya sa Web at Web Services pero maraming frameworks na gumagamit nito, Wordpress, Drupal, Magento, atbp.
      • C/C++
        • Pwede siya sa Desktop, Mobile, at Web/Web Services pero kadalasan sa Games, Server apps at Linux apps.
      • Javascript (hindi siya programming language kundi scripting language)
        • Web at Web Services, Mobile Development, Games
    • Database
      • SQL Server - RDBMS
      • MySql - RDBMS
      • MongoDB - Document Based (JSON)
  4. Depende... kung ano ang in-demand sa market. Lahat ng nabanggit ko sa taas ay mga sikat at in-demand ngayon sa market. Sinama ko ang Javascript kahit di siya programming language dahil marami na ngayon ang gumagamit ng Javascript sa paggawa ng web applications. Pero ang karamihan ng mga kompanya hinahanap nila "Full-stack" developers. Ang ibig sabihin ng "Full-Stack" developer, may alam sa front-end at back-end gaya ng mga nabanggit ko.
  5. At ang pinaka huli Depende... kung saan maraming community at resources na makakatulong o makakakita ng maraming tutorial at example.
Hindi basta-basta ang maging developer, kada ilang buwan may bagong lumalabas na bagong technology. Para sa akin, ang pinakaimportante sa lahat ay yung marunong kang mag-adapt sa mga bagong lumalabas na technology. At walang tigil na pag-aaral.

Comments

Popular posts from this blog

Di nyo na kailangan ng Isa pang computer para sa Server o web hosting

Kung hindi nyo kailangan ng totoong web hosting at domain sa Thesis nyo may technology na pwede nyo ng gamitin para mag-emulate ng parang tunay na server. Docker Containers. Ang containers ay isang feature sa Linux pero sumikat sa mga cloud server tulad ng AWS, Google o AZURE. Marahil dahil na rin sa kamahalan ng mg ito, imbis na mag renta ka ng limang server, kahit isang server lang pwede ka ng mag-implement ng maraming system. Ang Docker ay kahalintulad siya ng VMWare or ibang virtual machine. Para gumamit ng Virtual Machine, kailangan mong mag-allocate ng CPU, RAM at malaking disk space dahil ang paggamit nito ay parang isang computer. Ang problem dito ay kailangan mong hiwalay na ii-install ang Operating System ibig sabihin kailangan mo ng license. At kailangan mo rin iinstall at configure ang software na kailangan mo tulad ng Apache, IIS, SQL Server, mysql at iba pa para lang mapagana ang system mo. And Docker ay mas pinasimple. Bago ang lahat eto ang mga salita or Teminology ...

Ano nga ba ang Class sa Object Oriented Programming

Kung matatandaan ninyo sa dalawang naging post ko. Naipaliwanag ko ang Importansya ng Object Oriented Programmig at ang Principles of Object Oriented Programmig . At sa mga post na ito Kadalasan sa mga halimbawa ay ang Class at Object. Unahin muna natin ang pagkakaiba ng Object at Class Class Object Ang Class ay template or blueprint na ginagamit para makagawa ng Object Halimbawa Ang Object ay ang Halimbawa ng isang Class halimbawa Ang Class ay Grupo ng magkakaparehong Object Halimbawa: Hayop ...

Anong Computer ang dapat mong bilhin?

Nung college ako madalas akong tumambay sa Gilmore. Isang lugar sa Quezon City kung saan ang bilihan ng mga computer parts at kung tawagin Silicon Valley. Nung una, kumukuha lang ako ng price list at nangangarap na makabili ng computer piyesa kahit wala akong pambili. Natuto ako sa computer hardware dahil don. Minsan nakikipagbaliktaktakan ako sa mga tambay na gaya ko at napag-uusapan ang mga magagandang specs. Minsan nakikinig ako sa mga nag-iinquire. Makalipas ng ilang taon hindi pa rin naging madali sa akin ang bumili ng computer piyesa. Dahil na rin hindi biro ang presyo ng mga computer piyesa. Ang nakakatawa, kahit software developer ako, marami sa mga kakilala ko ang nagtatanong sa akin kung ano ang magandang bilhing computer. Kahit sa pag-aayos ng computer nila, sa akin sila humihingi ng tulong. Maganda rin kasi natututo ako. Ang di nila alam, ang software ay hindi tumitingin sa hardware, dahil ang alam lang nila ay ang Computer ay Computer. Ano nga ba ang specs ng magadang co...