Skip to main content

Tips sa Thesis Defense

Almost 20 years ago nung nagdefense ako for my BS Computer Science Degree, Gusto ko lang magbigay ng mahahalagang tips sa mga magde-defense. Ang defense ay parang nagbebenta ka ng produkto sa isang kliyente kailangan maipakita mo na maganda ang produkto mo at talagang magagamit. Ang totoo hindi siya malayo sa totoong nangyayari sa trabaho. Di ko alam kung paano na ang defense ngayon pero nung panahon namin, kailangan totoo ang gagawin mong system at siguradong gagamitin ng napili nyong kliyente. Hindi ako nag-OJT pero totoo ang system na ginagawa namin at yun ang naging katumbas ng OJT.

  1. Gumawa ng makabuluhang system. Ang totoo maraming system na ang gasgas tulad ng nasa baba.
    • Library System - Konti lang library sa Pinas kahit sa ibang bansa maramin ng nagsara kaya pawala na ang library
    • Point of Sale System
    • Student Registration
    • Inventory System
  2. Kumuha ng magaling na adviser. Sila ang makakatulong sa inyo sa mga magiging problema nyo sa project nyo. Coding man o documentation
  3. Alamin kung sino ang panelists. Kayo lang ang makakakilala sa mga panelists. Gaya ng sasabak sa giyera, kilalanin mo ang mga kalaban mo. Wag i-under estimate ang mga Panelists.
  4. Aralin ang Documentation. Mas maraming naibubutas sa documentation. Kadalasan dito maraming Tanong ang mga panelist.
    • Kailangan lahat ng nilagay sa documentation may back-up na evidence. Wag pekein ang evidences.
    • Kailangan naiintindihan mo ang pinag-lalalagay nyo.
    • May Microsoft Word na kaya kailangan i-check nyo ang mga spellings at grammars.
  5. Siguraduhin na gumagana at walang error ang Software (Web or Desktop). Hindi maiiwasan ang bug sa isang system kahit ang pinakamalaking kompanya tulad ng Microsoft maraming bugs ang produkto nila. Ang importante ay kung paano nyo nahandle ang mga errors hindi yung mag-e-exit or magka-crush ang system. Nung time namin. Kapag nag-crush ang system malaking puntos ang nawawala. Test... Test... Test... Test at Test.
  6. Iwasan ang nerbiyos. Hindi maaalis ang nerbiyos. Kaya nga dapat alamin mo ang system at documentation. May mga kilala ako non na dahil mahina sa coding ay ipapasa na lang nila ang responsibilidad sa magaling magcode sa grupo. Nag-aral ka ng IT dahil yun ang gusto mong trabaho. Kaya pagbutihan mo.


Ang totoo marami akong nakilala nung college na nagstruggle sa coding. Pero hindi sila sumuko at nag-laan pa ng maraming panahon para matuto. Ang mga forum na tulad nitong PhCorner ang makakatulong sa inyo kung may tanong kayo. Noong panahon namin walang masyadong ganito. Ang attitude mo sa pag-aaral mo ang magdidikta ng kinabukasan mo. Hanggang ngayon hindi ko makakalimutan yung kaklase kong napakatalino magaling sa programming pero kailangang tumigil dahil sa pera. Wag sayangin ang pagkakataon at pera ng nagpapaaral sa inyo.

Comments

Popular posts from this blog

Di nyo na kailangan ng Isa pang computer para sa Server o web hosting

Kung hindi nyo kailangan ng totoong web hosting at domain sa Thesis nyo may technology na pwede nyo ng gamitin para mag-emulate ng parang tunay na server. Docker Containers. Ang containers ay isang feature sa Linux pero sumikat sa mga cloud server tulad ng AWS, Google o AZURE. Marahil dahil na rin sa kamahalan ng mg ito, imbis na mag renta ka ng limang server, kahit isang server lang pwede ka ng mag-implement ng maraming system. Ang Docker ay kahalintulad siya ng VMWare or ibang virtual machine. Para gumamit ng Virtual Machine, kailangan mong mag-allocate ng CPU, RAM at malaking disk space dahil ang paggamit nito ay parang isang computer. Ang problem dito ay kailangan mong hiwalay na ii-install ang Operating System ibig sabihin kailangan mo ng license. At kailangan mo rin iinstall at configure ang software na kailangan mo tulad ng Apache, IIS, SQL Server, mysql at iba pa para lang mapagana ang system mo. And Docker ay mas pinasimple. Bago ang lahat eto ang mga salita or Teminology ...

Ano nga ba ang Class sa Object Oriented Programming

Kung matatandaan ninyo sa dalawang naging post ko. Naipaliwanag ko ang Importansya ng Object Oriented Programmig at ang Principles of Object Oriented Programmig . At sa mga post na ito Kadalasan sa mga halimbawa ay ang Class at Object. Unahin muna natin ang pagkakaiba ng Object at Class Class Object Ang Class ay template or blueprint na ginagamit para makagawa ng Object Halimbawa Ang Object ay ang Halimbawa ng isang Class halimbawa Ang Class ay Grupo ng magkakaparehong Object Halimbawa: Hayop ...

Anong Computer ang dapat mong bilhin?

Nung college ako madalas akong tumambay sa Gilmore. Isang lugar sa Quezon City kung saan ang bilihan ng mga computer parts at kung tawagin Silicon Valley. Nung una, kumukuha lang ako ng price list at nangangarap na makabili ng computer piyesa kahit wala akong pambili. Natuto ako sa computer hardware dahil don. Minsan nakikipagbaliktaktakan ako sa mga tambay na gaya ko at napag-uusapan ang mga magagandang specs. Minsan nakikinig ako sa mga nag-iinquire. Makalipas ng ilang taon hindi pa rin naging madali sa akin ang bumili ng computer piyesa. Dahil na rin hindi biro ang presyo ng mga computer piyesa. Ang nakakatawa, kahit software developer ako, marami sa mga kakilala ko ang nagtatanong sa akin kung ano ang magandang bilhing computer. Kahit sa pag-aayos ng computer nila, sa akin sila humihingi ng tulong. Maganda rin kasi natututo ako. Ang di nila alam, ang software ay hindi tumitingin sa hardware, dahil ang alam lang nila ay ang Computer ay Computer. Ano nga ba ang specs ng magadang co...