Nung mga panahon na nag-iistart pa lamang akong gumamit ng computer. Hindi pa uso noon ang mouse at windows interface.
Naaalala ko pa noon DOS base command line pa lang ang ginagamit namin. Tapos pupunta kami ng computer shop para lang
mag-aral. Yung mga computer shops non wala pang hard drive na pinagagamit. Kailangan pa namin bumili ng floppy disk at
ipaformat kasama ang copy ng DOS. Kaya every renta namin ng computer na P20 isang oras bit bit lang namin non ay 5 1/4
floppy disk. At ang size mga 360KB lang ang size.
Ang tanging goal lang namin non matuto ng computer. lahat ng pag-open ng application pa-type ang gamit. Kahit mga games Keyboard lang ang gagamitin mo. Naaalala ko pa yung madalas kong gamitin na word processor ang tawag WordStar. Kailangan kong pag-aralan kung paano mag-save, cut, paste at iba pa. Ang kagandahan non naging standard ang mga keyboard shortcuts na kahit sa anong operating system yun na ang gamit. Ilan lang ito sa mga commands.
Sa pagdaan ng panahon halos hindi na kinailangan ng tao ang mga Keyboard shortcuts dahil sa mouse. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman. Isa eto sa mabisa at mabilis na paggamit ng computer. Kung ang trabaho mo ay sa larangan ng computer. Kilangan mong matutunan ang mga Keyboard shortcuts na ito. Di lamang para maging produktibo, magmumukha ka pang bihasa sa harap ng ibang tao. Eto pa ang ilang sa maraming keyboard shortcuts na magagamit.
Tandaan na may iba't ibang Keyboard shortcuts ang mga program ngunit may mga tinatawag na standards na ginagawang panuntunan ng mga developer upang hindi malito ang mga gagamit sa kanilang apps. Maari nyo basahin ang iba pang shortcuts sa Wiki

-
CTRL+N
- Eto ang ginagamit sa Pag-gawa ng bagong document
-
CTRL+O
- Eto ang ginagamit sa Pag-Open ng document
-
CTRL+S
- Eto ang ginagamit sa Pag-Save ng document
-
CTRL+C
- Eto ang ginagamit sa Pag-copy ng document
- Sa Wordstar CTRL+KC
-
Dahil walang mouse noon kailangan pati pag-highlight ng text keyboard din.
CTRL+KB para ipahiwatig kung saan magsisimula ang pag-highlight ng Text
CTRL+KK naman para ipahiwatig ang huling letra ng text na i-ha-highlight.
-
CTRL+X
- Eto ang ginagamit sa Pag-cut ng document
- Sa Wordstar CTRL+KV
- Gaya ng Copy kailangan mo rin gamitin ang CTRL+KB at CTRL+KK
Sa pagdaan ng panahon halos hindi na kinailangan ng tao ang mga Keyboard shortcuts dahil sa mouse. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman. Isa eto sa mabisa at mabilis na paggamit ng computer. Kung ang trabaho mo ay sa larangan ng computer. Kilangan mong matutunan ang mga Keyboard shortcuts na ito. Di lamang para maging produktibo, magmumukha ka pang bihasa sa harap ng ibang tao. Eto pa ang ilang sa maraming keyboard shortcuts na magagamit.
-
CTRL+T
- Pag-Open ng panibagong Tab sa Browser
-
CTRL+Z
- Upang i-Undo or ibalik sa dati ang naggawang pagbabago sa isang document o file.
-
CTRL+Y
- ang opposite ng CTRL+Z, Upang i-redo ang naggawang pagbabago sa isang document o file.
Tandaan na may iba't ibang Keyboard shortcuts ang mga program ngunit may mga tinatawag na standards na ginagawang panuntunan ng mga developer upang hindi malito ang mga gagamit sa kanilang apps. Maari nyo basahin ang iba pang shortcuts sa Wiki
Comments
Post a Comment