Skip to main content

Posts

Principles of Object Oriented Programming

May iba't ibang panuntunan sa Object Oriented Programming na kadalasan mahirap intindihin o nakakalito. Mapa Ingles man or ibang Lingwahe. Susubukan kong ipaliwanag sa pinakasimpleng paraan ang ibig sabihin ng bawat isa. Ang ginamit ko dito ay C#. Dahil mas maraming Programming Language na kawangis nito tulad ng C++ at Java. Encapsulation ito ay pagtago ng property or method sa isang object. Upang hindi directang mabago ang estado ng field sa isang Object. Inheritance ito ay ang pag gamit ng class para gumawa pa ng isa pang object. Imbis na paulit ulit mong i-code ang lahat ng property ng tao. Pwede mo na lang manahin lahat ng nadeklara mong properties sa iba pang object Abstraction Eto ay pagtago ng ...
Recent posts

Di nyo na kailangan ng Isa pang computer para sa Server o web hosting

Kung hindi nyo kailangan ng totoong web hosting at domain sa Thesis nyo may technology na pwede nyo ng gamitin para mag-emulate ng parang tunay na server. Docker Containers. Ang containers ay isang feature sa Linux pero sumikat sa mga cloud server tulad ng AWS, Google o AZURE. Marahil dahil na rin sa kamahalan ng mg ito, imbis na mag renta ka ng limang server, kahit isang server lang pwede ka ng mag-implement ng maraming system. Ang Docker ay kahalintulad siya ng VMWare or ibang virtual machine. Para gumamit ng Virtual Machine, kailangan mong mag-allocate ng CPU, RAM at malaking disk space dahil ang paggamit nito ay parang isang computer. Ang problem dito ay kailangan mong hiwalay na ii-install ang Operating System ibig sabihin kailangan mo ng license. At kailangan mo rin iinstall at configure ang software na kailangan mo tulad ng Apache, IIS, SQL Server, mysql at iba pa para lang mapagana ang system mo. And Docker ay mas pinasimple. Bago ang lahat eto ang mga salita or Teminology ...

Keyboard Shortcuts

Nung mga panahon na nag-iistart pa lamang akong gumamit ng computer. Hindi pa uso noon ang mouse at windows interface. Naaalala ko pa noon DOS base command line pa lang ang ginagamit namin. Tapos pupunta kami ng computer shop para lang mag-aral. Yung mga computer shops non wala pang hard drive na pinagagamit. Kailangan pa namin bumili ng floppy disk at ipaformat kasama ang copy ng DOS. Kaya every renta namin ng computer na P20 isang oras bit bit lang namin non ay 5 1/4 floppy disk. At ang size mga 360KB lang ang size. Ang tanging goal lang namin non matuto ng computer. lahat ng pag-open ng application pa-type ang gamit. Kahit mga games Keyboard lang ang gagamitin mo. Naaalala ko pa yung madalas kong gamitin na word processor ang tawag WordStar. Kailangan kong pag-aralan kung paano mag-save, cut, paste at iba pa. Ang kagandahan non naging standard ang mga keyboard shortcuts na kahit sa anong operating system yun na ang gamit. Ilan lang ito sa mga commands. CTRL+N ...

Web vs Desktop vs Mobile Application Development

Sa isang forum na sinalihan ko. Karamihan, mga estudyante ang mga nagtatanong. Kung hindi nagtatanong ng magiging thesis nagtatanong kung ano ang magadang pag-aralan. Nag-bigay na rin ako ng tips sa isang post ko na Tips sa Thesis Defense . Gusto ko lang magbigay ng linaw kung bakit karamiha sa mga nagthethesis parepareho na lang ang system. Desktop vs Web vs Mobile Gaya ng nakwento ko, Mga 20 years ago kasaganaan ang windows o desktop based development. Visual Basic o Java ang kadalasang gamit na Programming Language. Medyo lumalayo na ang karamihan sa DOS base development. Isipin mo 20 years na yun pero ang mga system na ginagawa ng mga estudyante pare pareho parin. Paglaon ng panahon, yumabong na ang Technology sa bansa. Sa maraming bansa maraming ng gumagamit ng Internet. Susubukan kong ipagkumpara ang Desktop, Web at Mobile. Desktop Dapat mong piliin ang Desktop kung gagamit ka ng mga Hardware Devices tulad ng Barcode scann...

Ano nga ba ang Class sa Object Oriented Programming

Kung matatandaan ninyo sa dalawang naging post ko. Naipaliwanag ko ang Importansya ng Object Oriented Programmig at ang Principles of Object Oriented Programmig . At sa mga post na ito Kadalasan sa mga halimbawa ay ang Class at Object. Unahin muna natin ang pagkakaiba ng Object at Class Class Object Ang Class ay template or blueprint na ginagamit para makagawa ng Object Halimbawa Ang Object ay ang Halimbawa ng isang Class halimbawa Ang Class ay Grupo ng magkakaparehong Object Halimbawa: Hayop ...

Anong Computer ang dapat mong bilhin?

Nung college ako madalas akong tumambay sa Gilmore. Isang lugar sa Quezon City kung saan ang bilihan ng mga computer parts at kung tawagin Silicon Valley. Nung una, kumukuha lang ako ng price list at nangangarap na makabili ng computer piyesa kahit wala akong pambili. Natuto ako sa computer hardware dahil don. Minsan nakikipagbaliktaktakan ako sa mga tambay na gaya ko at napag-uusapan ang mga magagandang specs. Minsan nakikinig ako sa mga nag-iinquire. Makalipas ng ilang taon hindi pa rin naging madali sa akin ang bumili ng computer piyesa. Dahil na rin hindi biro ang presyo ng mga computer piyesa. Ang nakakatawa, kahit software developer ako, marami sa mga kakilala ko ang nagtatanong sa akin kung ano ang magandang bilhing computer. Kahit sa pag-aayos ng computer nila, sa akin sila humihingi ng tulong. Maganda rin kasi natututo ako. Ang di nila alam, ang software ay hindi tumitingin sa hardware, dahil ang alam lang nila ay ang Computer ay Computer. Ano nga ba ang specs ng magadang co...

Sagot sa Tanong: Anong programming Language ang magandang pag-aralan

Mahigit dalawang dekada na akong programmer. Nagsimula ako sa Pascal at Basic. Hanggang pinag-aralan naming ang C. At nung college ako naging C++ at VB6. Sa trabaho ko non hindi kailangan na mag-program mostly requirements gathering lang ang ginagawa ko as Solution Designer. Para di masayang ang natutunan ko sumasideline akong developer. Tapos may nakilala ako na gustong magpagawa ng Online store na Website. Ako bilang ako, sabi ko kaya ko kahit wala akong alam sa paggawa ng website kaya inaaral ko ang ASP.Tapos nagkaroon ng pagkakataon na sa mismong kompanya ay wala silang developer at naglakas loob akong magpresenta at sinuwerte rin ako dahil maraming akong naging project na puro ASP na may database. Ang totoo, ang dami kong gustong pag-aralan non sa dami ng Programming Language malilito ka talaga. Tapos iba't ibang development pa tulad ng web , desktop tapos nagkaroon pa ng Mobile Development. Ang totoo, kadalasan kapag may nagtatanong sa akin, ang lagi kong sagot, kahit ano s...