Nung mga panahon na nag-iistart pa lamang akong gumamit ng computer. Hindi pa uso noon ang mouse at windows interface. Naaalala ko pa noon DOS base command line pa lang ang ginagamit namin. Tapos pupunta kami ng computer shop para lang mag-aral. Yung mga computer shops non wala pang hard drive na pinagagamit. Kailangan pa namin bumili ng floppy disk at ipaformat kasama ang copy ng DOS. Kaya every renta namin ng computer na P20 isang oras bit bit lang namin non ay 5 1/4 floppy disk. At ang size mga 360KB lang ang size. Ang tanging goal lang namin non matuto ng computer. lahat ng pag-open ng application pa-type ang gamit. Kahit mga games Keyboard lang ang gagamitin mo. Naaalala ko pa yung madalas kong gamitin na word processor ang tawag WordStar. Kailangan kong pag-aralan kung paano mag-save, cut, paste at iba pa. Ang kagandahan non naging standard ang mga keyboard shortcuts na kahit sa anong operating system yun na ang gamit. Ilan lang ito sa mga commands. CTRL+N ...